Posted in zürich

Mmm…magaling! sa Zürich

Mmm…maraming dumalo, masarap ang pagkain at masaya ang Kuwentuhang Sabado noong ika-8 ng Oktubre sa Zürich. Unang-una, kumanta ng pangungumusta ang lahat ng dumalo. Dahil pagkain ang paksa, nagbasa si Mama Kith ng kuwento tungkol sa isang batang may sakit na gumaling sa tulong ng masasarap na meryenda ng kanyang lola.


Pagkatapos ng storya, nakinig at kumanta ang lahat ng “Bahay Kubo”.


Ang galing kumanta ng mga bata!

Pagkatapos ng kantahan, nagkulay ang mga bata ng mga larawan ng mga gulay at prutas para maalala nila ang mga pangalan ng mga ito. Mayroon ding palaisipan para sa mga batang marunong nang magbasa.


Syempre hindi matatapos ang Kuwentuhang Sabado kung walang kainan…


…at malayang paglalaro ng mga bata.


Nakakain pa kami ng taho!


Bago mag-uwian, mabilis na gumawa si Mama Sining ng kanta ng pamamaalam. Umuwi kaming lahat na maligaya at busog mula sa pagkain, kuwentuhan at tawanan.

Magkita-kita tayo ulit sa susunod na Kuwentuhang Sabado!

 

Author:

a traveling Swiss-Filipino playgroup

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s