Ang paksa ng nakaraang Kuwentuhang Sabado noong ika-8 ng Abril, 2017 ay ang pasko ng pagkabuhay.
Sa simula nag kantahan muna kami ng aming mga awiting pambati. «Kumusta ka» at «Masaya kung sama-sama».
Pagkatapos magkantahan, binasa ni Mommy Kith «Ang kuwento ng piyesta ng muling pagkabuhay». Nalaman ng mga bata kung paano namatay si Hesus at bumangon uli sa kamatayan.
Ang pangalawang libro ay binasa ni Mommy Sining «Maghahanap kami ng itlog». Nakakatuwa ang kuwento at natuto pa ang mga bata bumilang hanggang sampu!
Sa pasko ng pagkabuhay, kasama rin ang pagkulay ng mga itlog. Una, kinulayan ng mga bata ang mga itlog ng krayola tapos ibinabad sa tubig na may kulay at pinakintaban ng kaunting mantika.
Napaka ganda ng mga gawain ng mga bata!
At kasi maganda ang panahon, sa labas kami nagmeriyenda. Habang kumakain ang mga bata itinago ni Mommy Cherry at Mommy Charlie ang mga tsokolateng itlog at koneho sa katabing liwasan.
Pagkatapos mag meriyenda hinanap ng mga bata ang mga tsokolate. Nakakatuwa panoorin ang paghanap ng mga tsokolate kasi napaka saya!
Thanks to Mommy Charlie for this KS blog-post!
Sana makasali kayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado! Check out our schedule here.