Posted in zürich

Kung may tiyaga, may nilaga!

Ito ang aming bansag noong nakaraang Kuwentuhang Sabado nung ika-3 ng Pebrero 2018.
Bago kami magkuwentuhan, kinanta muna namin ang aming awiting bambati at pagkatapos, nagpakilala muna ng isa-isa ang mga bata dahil mayroon kaming bisita.
Si Aaron, si Laura at ang kanilang nanay na si Payapa. Nakakatuwa makita na ang mga bata ay natututo na rin magsalita ng Tagalog matapos lang ng isang taon! Hanga talaga ako sa kanila!

Kuwento1

Tapos, binasa ni Mommy Charlie ang «Kamatis ni Peles», Kuwento ni Alberta Angeles at guhit ni Renato Gamos.
Ang isang tipaklong na si Peles ay nagtanim ng mga kamatis at inabot ng pitong araw hanggang tumubo ang mga kamatis. Nagsimula siya noong Linggo at araw-araw inaalagaan ni Peles ang kanyang tanim. Dinidiligan, kinakantahan at kinukuwentuhan. Maraming trabaho si Peles sa mga tanim, pero siya ay matiyaga kaya sa huli tumubo rin ang kanyang mga kamatis.

Kuwento2
(Pinapakita ni Jean Louise ang mga punla ng kamatis.)

Natutuhan ng mag bata ang pangalan ng mga araw sa isang linggo. Una, mula sa kuwento, pagkatapos mula sa kantang: «Pitong araw sa isang linggo».

Pagkatapos magkuwentuhan, nagtanim din kami ng mga kamatis. Laking tuwa ng mga bata makahawak ng lupa at makakita ng mga punla.

Nang nakatanim na ang mga kamatis, gumawa sila ng mga banderitas na may larawan na kamatis at kanilang pangalan.

Sa dami ng trabaho, ginutom na ang mga bata kaya kami ay nag-meryenda na.

Merienda

Mabilis lang at tapos na agad ang Kuwentuhang Sabado. Napaka saya at sana tumubo ang mga tanim namin!

Author:

a traveling Swiss-Filipino playgroup

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s