Sa pinakaunang pagkakataon, ginanap ang kauna-unahang Pop-up Kuwentuhang Sabado sa Zermatt noong ika-16 ng Pebrero. Dahil hindi posibleng makadalo sa mga KS sa Zürich, Basel at Bern, nagkataong magkalapit ang mga pamilya nina Mommy Cherry at Mommy Sining kung kaya’t naisip nilang magkita-kita at isagawa ang KS sa Zermatt.
Pagakatapos ng isang masarap na tanghalian sa pizzeria, nagbihis ng mga makapal na damit sina Linaw, Silay, Lakan, Julian at Justin upang maglaro, kumanta at magbasa ng aklat sa kalapit na palaruan kung saan gabundok ang niyebe.
Dahil taglamig and paksa, binasa at isinalin nila sa Pilipino ang aklat ni Eyra Scott, A Snowy Day. Isinagawa nila mismo sa palaruan ang iba’t-ibang pakikipagsapalaran sa yelo na ginaw ng tauhang si Pedro (Peter).
Sa katapusan, gumawa ng malaking snowmang ang mga pamilyang KS.
Naging matagumpay at saksakan ng saya ang Pop-up KS sa Zermatt. Saan naman kaya magaganap ang susunod na Pop-up KS?
Kung nais ninyong bisitahin namin kayo, huwag magatubiling sabihan kami at masaya kaming pupunta at magsasagawa ng KS sa inyo!
Sana magkita tayo sa susunod na KS! Check out our schedule here.