Nung ika-7 ng Abril 2018, ginanap ang huling Kuwentuhang Sabado. Mayroon uli kaming bagong mga bisita. Si Leonel at ang nanay niyang si Abigail at ang lola niyang si Teresita. Dumalaw din si Liway at ang tatay niyang si Glenn.
At dahil sa aming mga bisita, nagpakilala uli muna kaming lahat. Pagkatapos, kinanta namin ang aming mga awiting pambata para maalala uli.
Ang sumunod naman ay ang kuwentuhan. Nagbasa si Mommy Charlie ng librong
«Si pagong at si matsing» muling isinalaysay ni Virgilio S. Almario at Iginuhit ni Hubert B. Fucio.
Nagustuhan ng mag bata ang kuwento. Biglang napakatahimik sa kuwarto dahil ang mga bata ay nakikinig ng mabuti sa kuwento.
Dahil ang susunod naming proyekto ay medyo mahirap gawin, isang libro lang ang binasa namin. Pagkatapos, gumawa kami ng balsa yari sa mga kahoy na kinolekta nila Mommy Charlie at ni Jean Louise. Kahit medyo matagal gawin ang balsa, masaya naman kasi nagkaroon ng konting oras ang mga magulang upang magusap-usapan.
Sa wakas. Heto na ang mga balsa!
Nang matapos na lahat ng mga balsa nagmeriyenda kami.
Pagkauwi namin sa bahay sinubukan agad namin ang balsa ni Jean Louise at ni Arnel.
Aba! Lumulutang nga talaga!