Sa pinakahuling Kuwentuhang Sabado para sa taong 2017-2018 ay ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan at pagtatapos ng klase. Napakaganda ng panahong iyon: mainit ngunit mahangin.
Pagkatapos kantahin ang “Lupang Hinirang” at “Bayan Ko” ay ibinasa ang kuwentong “Mahiwagang Istetoskop” na tungkol sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal.
Ito ay sinundan ng piyesta at kainan na ginanap sa katabing parke. Masayang nagmeryenda ang mga bata at magulang ng puto pao, kutsinta at iba pang mga kakanin.
Naranasan ng mga bata ang mga larong tulad ng hampas-palayok at pabitin. Pagkatapos ay binigyan sila ng sertipiko ng paglalahok. Sadyang naging masaya at di malilimutan ang araw na ito.