Napakabilis ng panahon at pasko na naman. Noong ika-8 ng Disyembre, 2018, nagkaroon ng paskong pagtitipon ang Pamilya-KS.


Tiyak na hindi mawawala ang kuwento nang pagsilang ni Cristo sa Bethlehem. At habang nakikinig binuo din namin ang Belen na kasama ang mga hayop at mga tatlong hari. 🙂

At dahil pasko, hindi mawawala ang paggawa ng parol na pangsarili. Walang bawal sa pagkulay o paggupit at pagpinta ng mga parol namin na may buntot pa.


At dahil may Parol, hindi rin mawawala ang pag-carolling, o pagkanta ng “Ang Pasko ay Sumapit” sa tulong ng aklat na dala ni Mommy-Sining.

Maaga man ang pagtitipon namin para sa Pasko, huli na kung tutuusin para sa mga Pilipino. Septiyembre palang nangangaroling na sila doon, dito tinuturo palang ang kanta sa amin. Buti nalang walang sumagot ng “patawad” galing sa kapit-bahay. :p
Maligayang Pasko mula sa Pamilya-KS sa Zürich!