Sa unang pagkakataon noong ika-16 ng Disyembre, 2018, naganap ang Pop-up KS sa lugar ng Romandie (kung saan ang wikang salita ng mga kapamilyang-KS natin ay Pranses). Binasa namin ang “Kung Linggo” ni Virgilio Almario ngunit Linggo ginanap ang KS na ito at hindi Sabado.

Maikli man ang aklat na napili namin, marami naman ang ginawa ng bida sa aming kuwento– mula sa pakikipag-taguan, magguhit at maglaro at (hindi) magligpit, sulit ang araw niya kapag Linggo — kaya pagkatapos nang kuwentuhan, kami rin ay kaagad na inasikaso ang marami naming gustong gawin (at lutuin!) sa Linggong ito.

Sa panahon ng pasko, mahilig ang mga Pilipino na maghanda ng matatamis na pagkain katulad ng mga kakanin na Bibingka at Puto-bumbong, o Puto at Sapin-sapin. Pero isa sa mga sikat na pampaskong matamis ay ang Choco Crinkles na hindi man talaga isang kakanin, masaya parin syang ihanda na sama-sama!

At habang hinihintay namin maluto ang Choco Crinkles, nagumpisa naman kami gumawa ng karaniwan na palamuting pampaskong Pinoy: ang Parol!


At nang natapos ang mga Parol, naluto na rin ang aming Choco Crinkles! Maligayang Pasko!
