Bulaklak sa Katapusan ng Batas Militar
Isang munting pagtitipon ang naganap ngayong araw ng ika-9 ng Pebrero sa Kuwentuhang Sabado.

Bilang alaala ng mapayapang rebolusyon noong Pebrero 1986, binasa ni Mommy Kith ang kuwento ni Augie Rivera na pinamagatang „Isang Harding Papel“. Dito nalaman natin kung ano ang nangyari noong panahon ng Batas Militar, maliban sa karanasan ni Jenny at ng kanyang ina na nakakulong sa Camp Crame.

Pagkatapos kumanta ng Bahay Kubo at Sampung mga Daliri, gumawa lahat ng mga makukulay na bulaklak gawa sa crepe paper. Siyempre tinapos namin ang umaga sa isang meryenda.