Ang saya saya ng pinaka-unang Kuwentuhang Sabado na naganap via videochat nitong ika-4 ng Abril, 2020. Mula sa USA, sa iba’t-ibang bansa sa Europa, at sa Pilipinas, nagtagpo-tagpo ang mga kaibigan at ka-pamilya ng ating KS members.
Syempre hindi mawawala ang paboritong kantahin ng lahat ng mga bata (at matanda?)
Ang naging kuwento namin ay tungkol sa isang batang kinailangan pumunta sa doktor para magpabakuna… para saan nga ba ang bakuna?

At sino nga ba si Coronavirus at bakit sarado ang mga paaralan ngayun at hindi tayo pwede makipag-laro sa isa’t-isa? Lahat ito ay kinuwento at tinuro sa aming mga bisita.
Kahit magkakalayo kaming lahat, masaya parin kaming nagsabay-sabay at gumawa ng sarili naming Coronavirus model gawa sa iba’t-ibang bagay at uri ng pagkain (meron pang gumamit ng yema! wow!).
Magkakalayo man, magkakaiba man ang oras, tuwang-tuwa ang mga dumalaw at nakisali sa pinaka-unang (virtual) Kuwentuhang Sabado! Tutal hindi naman bawal magsaya kahit lockdown na, siguradong mauulit muli ang KS sa ganitong paraan.
Sana magkita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!
If you are interested in joining our next virtual KS, please e-mail us at info(at)kuwentuhangsabado.com
One thought on “KS kahit Lockdown na”