Patuloy ang KS via Zoom nitong panahon ng Coronavirus. Ang naganap na KS noong ika-18 ng Abril ay nagkaroon ng maraming bisitang nakinig, nakitawa, at naki-gawa sa ating themang Tagsibol.
Ano nga ba ang Tagsibol at ano ang pwedeng gawin sa panahon ng tagsibol? Eto ang naging kuwento sa ating KS mula sa kuwento ni Grace D. Chong tungkol sa isang munting bayan ng Umingan at ang bagong makulay at masiyahin na gurong dumating.
At pagkatapos ng kuwentuhan, nagkaroon ng kantahan. Sa araw na ito, hindi tungkol sa Bahay Kubo, kundi sa “Kapit-bahay Kubo”. Ibang na ang gulay, nakakapanibago pang kantahin kahit kilala ang tono. “Kanta ba ito?” ang tanong ng mga kasali sa KS. Totoo, meron talagang Kapit-bahay Kubo!

At syempre hindi mawawala ang ating group activity. Sa paggamit ng facial tissue o kaya naman toilet tissue, gumawa kami ng mga bulaklak bagay sa panahon ng Tagsibol.











Salamat sa pagsama nyo. Sana makasama ulit kayo sa susunod na KS natin.
Ang susunod na KS via Zoom ay sa ika-2 ng Mayo alas-10 n.u. (May 2, 10am CET). Welcome lahat ng mga pamilyang gustong makikanta, makikuwento, at makisali sa Kuwentuhang Sabado. Sumulat lang sa amin sa via e-mail o kaya via Facebook para sa direct link para sa Zoom KS!
Sana magkita tayo sa susunod na KS!
One thought on “Tag-Sibol sa KS”