Posted in Allgemein, Coronavirus, general, virtual KS, zoom invite

Si Pagong at si Matsing: KS Zoom Invite

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Maligayang Kuwentuhang Sabado sa Zoom na naman!

Sa pinakauna-unahang pagkakataon, ang mamumuno ng ating gawaing sining ay ang kilala at napakagaling na mangguguhit sa Pilipinas na si Tito Hubert na nagmagandang loob na makilala tayo sa KS.

Sa pagtatapos ng ating KS Lockdown Special, babasahin ng ating panauhing kuwentista na si Weng Garcia ang klasikong kuwento, “Si Pagong at si Matsing”, ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Ang bersyong ating babasahin ay mula sa Adarna House, muling isinalaysay ni Virgilio Almario at iginuhit ni Hubert Fucio. Sa pinakauna-unahang pagkakataon, ang mamumuno ng ating gawaing sining ay ang kilala at napakagaling na mangguguhit sa Pilipinas na si Tito Hubert na nagmagandang loob na makilala tayo sa KS.

O, ano pa ang hinihintay ninyo? Magdala kayo ng papel at mga pangkulay at sumali na ngayong Sabado, ika-13 ng Hunyo ng alas kuwatro ng hapon (4 pm oras sa Pilipinas) o alas diyes ng umaga (10 am oras sa Europa).

Click here for the Zoom Invite.

Kita kita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!

Author:

a traveling Swiss-Filipino playgroup

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s