Posted in general

Salubong sa Bagong Taon 2021

Manigong Bagong Taon! Pagkatapos ng kalahating taon na masasayang pagtitipon ng Corona-Conform KS sa Zürich, magbababalik ang KS via Zoom nitong Enero para makasali muli ang mga kaibigan at kapamilya KS natin mula sa Pilipinas, Amerika, at iba pang bansa sa Europa!

Mula noong Setembre – nakapagtipon-tipon ang KS sa ELCH sa Zürich bawat buwan

Nitong panahon ng Coronavirus, nais parin natin ipagpatuloy ang KS para makapagkwentuhan at kantahan at kung anu-ano pa.

noong unang KS via Zoom sa panahon ng ika-unang Lockdown dahil sa Coronavirus – gumawa kami ng makakain na coronavirus!

Marami sa atin abroad ay hindi nakauwi ng Pilipinas nitong bagong taon para mabisita ang ating mga pamilya at salubungin ang bagong taon. Dito sa Swisa, may mga probinsya na pinagbawal ang paputok para makaiwas sa pagtipon-tipon ng maraming tao sa isang lugar. Subalit, kahit na iba ang panahon ngayun, gusto parin natin isalubong ang bagong taon na may tatak Pinoy.

Kaya sali na kayo sa pinakaunang KS natin sa bagong taon. Sa unang pagkakataon, susubukan ng ating mga KS kids na magkwento mula sa isa sa kanilang paboritong aklat.

At para sa ating group activity, ihanda ang mga susunod:

  1. cardboard-roll (tissue roll na walang laman)
  2. dyaryo (o lumang papel)
  3. masking tape
  4. maliliit na pasta na hilaw, butil ng mais, butil ng bigas
  5. pangkulay

Sa ika-9 ng Enero ang ating KS. alas-10 n.u. sa oras ng CET.

Please find the Zoom link here to join:

Time: Jan 9, 2021 10:00 AM Zurich
https://us02web.zoom.us/j/82099384021?pwd=dXdtVEFUK2puamNTRVBXMXBQSHh0dz09 Meeting ID: 820 9938 4021
Passcode: 735511

Author:

a traveling Swiss-Filipino playgroup

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s