Posted in Allgemein, zürich

Halloween na sa KS!

Halina at makipaghalubilo sa ating susunod na pagtitipon suot ang inyong paboritong costume!

si Manananggal

Sa ika-31 ng Oktubre mula alas dyes ng umaga hanggang alas dose ng tanghali sa ELCH Accu, makinig sa isa o dalawang kuwentong angkop sa Halloween na babasahin ni Nanay Kith.

Matapos ang maikling meryenda, maghahanda na tayo para sa Pasko sa pamamagitan ng pagkanta. Ituturo ni Nanay Charlie ang piniling kanta na aawitin natin para sa caroling. Gusto nating isaulo ang kantang ito upang maipalabas natin balang araw. Huwag niyong kalilimutan ang mga maskara (iwas Covid-19) at ang sarili ninyong meryenda.

Ano, sali na kayo at makisaya sa Kuwentuhang Sabado!


Come and mingle wearing your favorite costume on our next get-together!

si Tikbalang

On Oct. 31 from 10 AM – 12:00 PM at the ELCH Accu, listen to one or two stories related to Halloween that will be read by Mommy Kith.

After a short snack, we’ll start preparing for Christmas through singing. Mommy Charlie will teach the chosen song that we’ll sing for caroling. We want to memorize this song so we can perform it one day. Don’t forget your masks (Covid-19 precaution) and your own snack. So what are you waiting for?

Join us and have fun at Kuwentuhang Sabado!

Posted in Allgemein, general, zürich

Balik Kuwentuhang Sabado!

Balik eskwela, balik Kuwentuhang Sabado na naman!!! Inaanyayahan namin kayo na dumalo sa Kuwentuhang Sabado nitong ika-5 ng Setyembre mula 10nu hanggang 12nt. Katakam-takam at nakakabusog ang KS na ito at mayroon tayong lulutuin sa araw na ito. Kita-kita tayo!

Dahil sa Covid-19, may mga bago tayong mga patakaran ukol sa Covid-19 tulad ng paghugas ng kamay, paggamit ng disinfectant sa pagpasok, social distancing, at paggamit ng mask para sa mga magulang.

Balik eskwela, balik Kuwentuhang Sabado!

Back to school, back to Kuwentuhang Sabado! We would like to invite you to a face to face Kuwentuhang Sabado on September 5th from 10am to 12pm at the ELCH Zentrum Oerlikon. It will be a tummy-rumbling and filling session as we whip up something from the kitchen. See you there!

In line with current Covid safety precautions, we will be washing our hands, using disinfectant, observing social distancing during the session, and parents will be required to wear a mask.

Open to all current members, and we welcome curious families to join us as well!

Sana magkita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado! For more info about your schedule for the school year 2020-2021, click here.

Posted in Allgemein, Coronavirus, general, virtual KS, zoom invite

Si Pagong at si Matsing: KS Zoom Invite

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Maligayang Kuwentuhang Sabado sa Zoom na naman!

Sa pinakauna-unahang pagkakataon, ang mamumuno ng ating gawaing sining ay ang kilala at napakagaling na mangguguhit sa Pilipinas na si Tito Hubert na nagmagandang loob na makilala tayo sa KS.

Sa pagtatapos ng ating KS Lockdown Special, babasahin ng ating panauhing kuwentista na si Weng Garcia ang klasikong kuwento, “Si Pagong at si Matsing”, ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Ang bersyong ating babasahin ay mula sa Adarna House, muling isinalaysay ni Virgilio Almario at iginuhit ni Hubert Fucio. Sa pinakauna-unahang pagkakataon, ang mamumuno ng ating gawaing sining ay ang kilala at napakagaling na mangguguhit sa Pilipinas na si Tito Hubert na nagmagandang loob na makilala tayo sa KS.

O, ano pa ang hinihintay ninyo? Magdala kayo ng papel at mga pangkulay at sumali na ngayong Sabado, ika-13 ng Hunyo ng alas kuwatro ng hapon (4 pm oras sa Pilipinas) o alas diyes ng umaga (10 am oras sa Europa).

Click here for the Zoom Invite.

Kita kita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!

Posted in Allgemein, Coronavirus, virtual KS, zoom invite

Mga Bilang: KS Zoom invite

Nais namin kayong imbitahan sa aming ika-5 na Kuwentuhang Sabado Lockdown Special sa Zoom na gaganapin ngayong Sabado, ika-30 ng Mayo, alas 10 ng umaga (CET) (4pm Manila Time).

Sa pinakauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Kuwentuhang Sabado ay magkakaroon tayo ng panauhing kwentista.

Si Tita Maita ay propesora sa Unibersidad ng Pilipinas at isinulat ang aklat na “When Zero Left Number Land” na isinalin at babasahin niya sa Pilipino.

Topic: Mga Bilang
Time: May 30, 2020 10:00 Zurich (4pm Manila)

Join Zoom Meeting
https://us02web.zoom.us/j/2020042016?pwd=enBrSjlsM0huWlF2RGltRFVKcmM5UT09

Meeting ID: 202 004 2016
Password: 956470

Sa ating group activity, pakihanda ang mga susunod na bagay:

  1. 10 pcs Index card or A6 paper – nakasulat ang mga bilang 1-10 (view and/or download sample here)
  2. Glue/pandikit
  3. Lapis/pangkulay
  4. Sinulid (isang dangkal ang haba)
  5. Tuyong dahon (5 na piraso)
  6. Bigas (20 butil)
  7. Hilaw na pasta (20 piraso)
  8. Butones (7 piraso)
  9. Barya (ex. 5 centavos) (3 piraso)
  10. Toothpic (8 piraso)
  11. Q-tip at bulak (5 piraso)
Posted in Allgemein, Coronavirus, general, global, virtual KS

Patuloy ang KS sa panahon ng Corona

Kahit na may lockdown na naganap sa Europa at patuloy na nagaganap sa Pilipinas at iba pang bahagi ng mundo, patuloy pa rin ang interes na makinig at matuto sa wikang Pilpino para sa mga bata at kanilang mga magulang. Dahil dito, nagsimulang magkaroon ng pinakaunang Kuwentuhang Sabado-Lockdown Special sa  Zoom noong ika-4 ng Abril. Mula sa aklat na «May Giyera sa Katawan ni Mark» ni Luis Gatmaitan ay itinuon ang paksa sa nagaganap na krisis sa coronavirus.

Naging masaya at matagumpay ang pagpupulong na ito na dinalo ng mga pamilya na nasa Europa, Pilipinas at Amerika. Oo, naging international na rin ang hatak ng Kuwentuhang Sabado.

Sa mga sumunod na Kwentuhang Sabado- Lockdown Special, naging paksa ang tagsibol , ang pamilya , at noong nakaraang lingo, ang mga parte ng katawan. Lubos na naging masaya ang mga kantahan, laro at gawaing sining at hulaan sa bawat pagpupulong.

Sa pinakauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Kuwentuhang Sabado ay magkakaroon tayo ng panauhing kwentista.

Nais namin kayong imbitahan sa aming ika-5 na Kuwentuhang Sabado Lockdown Special sa Zoom na gaganapin ngayong Sabado, ika-30 ng Mayo, alas 10 ng umaga (CET) (4pm PH Time).

Sa pinakauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Kuwentuhang Sabado ay magkakaroon tayo ng panauhing kwentista. Si Tita Maita ay propesora sa Unibersidad ng Pilipinas at isinulat ang aklat na “When Zero Left Number Land” na isinalin at babasahin niya sa Pilipino.

O, ano pang hinihintay ninyo? Sumali na rin kayo!

Sumulat lang sa info(at)kuwentuhangsabado.com o kaya sa aming facebook page.

Sana magkita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!