Nung ika-6 ng Enero ang unang pagkikita-kita namin sa Kuwentuhang Sabado sa taon ng 2018. Si Mommy Charlie ang nagbasa ng librong «Si Pilong patago-tago». Kuwento ni Kristine Ganon at guhit ni Leo Alvarado. Dahil si Pilo ay tago ng tago, natutuhan ng mga bata ang mga iba-ibang lugar. Si Pilo ay nagtago sa ituktok ng aparador, sa gilid ng kama, sa gitna ng kanyang mga laruan at iba pa.
Ang pangalawang libro ay «Si Wako», kuwento ni Victoria Anonuevo at guhit ni Jess Abrera Jr. Dahil si Wako ay tamad, sinasabihan siya ng mag tao na siya ay bobo. Kaya nagsumikap si Wako at ang kuwagong bobo ay naging isang kuwagong matalino.
Pagkataos namin magbasa, pinagaralan namin ang bagong kanta: «Sampung malulusog na bata». Una nagbilang muna kami mula isa hanggang sampu. Naku mabilis ito natutunan ng mga bata! Mas madali yata matuto kung ang binibilang ay mga Smarties!
Matapos kami magbilang, kinanta namin ang «Sampung malulusog na bata». Inulit na rin namin yung ibang naming mga kanta upang hindi makalimutan. Ang saya!
Pagkatapos nito, yung ibang mga bata ay naglaro at yung iba ay nagkulay.
At sa huli, kami ay nag-merienda ng 3-Königskuchen! Ang mga naging reyna at hari ay si Jean Louise, si Benjamin at si Dorian! Laking tuwa nila!