Posted in Allgemein, Coronavirus, general, global, virtual KS

Patuloy ang KS sa panahon ng Corona

Kahit na may lockdown na naganap sa Europa at patuloy na nagaganap sa Pilipinas at iba pang bahagi ng mundo, patuloy pa rin ang interes na makinig at matuto sa wikang Pilpino para sa mga bata at kanilang mga magulang. Dahil dito, nagsimulang magkaroon ng pinakaunang Kuwentuhang Sabado-Lockdown Special sa  Zoom noong ika-4 ng Abril. Mula sa aklat na «May Giyera sa Katawan ni Mark» ni Luis Gatmaitan ay itinuon ang paksa sa nagaganap na krisis sa coronavirus.

Naging masaya at matagumpay ang pagpupulong na ito na dinalo ng mga pamilya na nasa Europa, Pilipinas at Amerika. Oo, naging international na rin ang hatak ng Kuwentuhang Sabado.

Sa mga sumunod na Kwentuhang Sabado- Lockdown Special, naging paksa ang tagsibol , ang pamilya , at noong nakaraang lingo, ang mga parte ng katawan. Lubos na naging masaya ang mga kantahan, laro at gawaing sining at hulaan sa bawat pagpupulong.

Sa pinakauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Kuwentuhang Sabado ay magkakaroon tayo ng panauhing kwentista.

Nais namin kayong imbitahan sa aming ika-5 na Kuwentuhang Sabado Lockdown Special sa Zoom na gaganapin ngayong Sabado, ika-30 ng Mayo, alas 10 ng umaga (CET) (4pm PH Time).

Sa pinakauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Kuwentuhang Sabado ay magkakaroon tayo ng panauhing kwentista. Si Tita Maita ay propesora sa Unibersidad ng Pilipinas at isinulat ang aklat na “When Zero Left Number Land” na isinalin at babasahin niya sa Pilipino.

O, ano pang hinihintay ninyo? Sumali na rin kayo!

Sumulat lang sa info(at)kuwentuhangsabado.com o kaya sa aming facebook page.

Sana magkita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!

Posted in general, global, virtual KS

Mga parte ng Katawan

Noong nakaraang ika-16 ng Mayo, higit sa 20 pamilya ang nakisama sa ika-4 na KS via Zoom. Mula sa iba’t-ibang bansa ng Europa at iba’t-ibang lugar sa Pilipinas, nagkuwentuhan at bugtungan kami tungkol sa mga parte ng katawan.

Binasa namin ang kuwento ni Rene Villanueva “Ang Pambihirang Buhok ni Lola” at pinagusapan din ang ilang kaalaman tungkol sa buhok. May katotohonan din pala ang kakaibang kakayahan nito!

Continue reading “Mga parte ng Katawan”
Posted in general, global, virtual KS

ika-4 na KS via Zoom

Halika at magkuwentuhan, magkantahan at magsalita tayo ng Pilipino…libre na at hindi na ninyo kailangang magbiyahe pa!

Nais namin kayong imbitahan sa aming ika-4 na Kuwentuhang Sabado Lockdown Special sa Zoom na gaganapin ngayong Sabado, ika-16 ng Mayo, alas 10 ng umaga. Ang paksa ay tungkol sa mga bahagi ng katawan. Ito ang detalye ng ating Zoom call-in:

Topic: Mga Parte ng Katawan
Time: May 16, 2020 10:00 AM Amsterdam, Berlin, Rome, Stockholm, Vienna

Join Zoom Meeting
https://us02web.zoom.us/j/2020042016?pwd=enBrSjlsM0huWlF2RGltRFVKcmM5UT09

Meeting ID: 202 004 2016
Password: 956470

Sa ating susunod na KS, walang kailangan na materyal, pero ihanda ang galing sa bugtungan!

Noong nakaraang KS, nagkuwentuhan kami tungkol sa pamilya at gumawa ng pamilyang finger puppet!

Sana makasali kayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!