Halina’t dumalo sa Bibliothek St. Johann JUKIBO nitong ika-18 ng Disyembre ng 10:30 ng umaga para makinig sa kuwento ng isang munting kumot. Ang kuwentong ito ay babasahin ng isa sa ating mga KS Mommy. Sali na!

Halina’t dumalo sa Bibliothek St. Johann JUKIBO nitong ika-18 ng Disyembre ng 10:30 ng umaga para makinig sa kuwento ng isang munting kumot. Ang kuwentong ito ay babasahin ng isa sa ating mga KS Mommy. Sali na!
Kumusta mga bata at mga magulang! Naghahanda kami para sa isang satellite Kuwentuhang Sabado para sa mga munting bata sa ika-9 ng Oktubre! Ito and impormasyon para sa mga interesado:
Lieder, Handspiele und Geschichten (click here)
Quartierraum Zentralstrasse, Zentralstrasse 34, 8003 Zürich
Samstag, 9. Oktober 2021, 9.30–11.00 Uhr
Inaanyayahan namin kayong lahat, kung sakaling may mga mas malalaking mga bata at mga magulang na nais tumulong, maki-salo, o maki-obserba at maki-saya sa aming kantahan at kuwentuhan!
Sa unang pagkakataon noong ika-16 ng Disyembre, 2018, naganap ang Pop-up KS sa lugar ng Romandie (kung saan ang wikang salita ng mga kapamilyang-KS natin ay Pranses). Binasa namin ang “Kung Linggo” ni Virgilio Almario ngunit Linggo ginanap ang KS na ito at hindi Sabado.
Maikli man ang aklat na napili namin, marami naman ang ginawa ng bida sa aming kuwento– mula sa pakikipag-taguan, magguhit at maglaro at (hindi) magligpit, sulit ang araw niya kapag Linggo — kaya pagkatapos nang kuwentuhan, kami rin ay kaagad na inasikaso ang marami naming gustong gawin (at lutuin!) sa Linggong ito.
Continue reading “Pop-up KS at Choco Crinkles! ng Disyembre 2018”Sa pinakaunang pagkakataon, ginanap ang kauna-unahang Pop-up Kuwentuhang Sabado sa Zermatt noong ika-16 ng Pebrero. Dahil hindi posibleng makadalo sa mga KS sa Zürich, Basel at Bern, nagkataong magkalapit ang mga pamilya nina Mommy Cherry at Mommy Sining kung kaya’t naisip nilang magkita-kita at isagawa ang KS sa Zermatt.