Posted in virtual KS, zoom invite

OH My Gulay!

Patuloy ang KS via Zoom nitong Marso. Sa Sabado na, alas-10 n.u. (Zurich) / alas-5 n.h. (Maynila)

Halina’t sumali sa kantahan, kuwentuhan atbp!

Para sa gawaing sining, heto ang mga kinakailangan:

mga 3 o 4 na uri ng gulay (sibuyas, kamatis, carrot, paminta, atbp)
papel
pintura (poster o tempera)
kutsilyo
sangkalan

Join Zoom Meeting

Topic: Oh My Gulay!
Time: Mar 13, 2021 10:00 AM Amsterdam, Berlin, Rome, Stockholm, Vienna

Meeting ID: 821 1915 3881
Passcode: 281810

Posted in Allgemein, Coronavirus, general, virtual KS, zoom invite

Si Pagong at si Matsing: KS Zoom Invite

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Maligayang Kuwentuhang Sabado sa Zoom na naman!

Sa pinakauna-unahang pagkakataon, ang mamumuno ng ating gawaing sining ay ang kilala at napakagaling na mangguguhit sa Pilipinas na si Tito Hubert na nagmagandang loob na makilala tayo sa KS.

Sa pagtatapos ng ating KS Lockdown Special, babasahin ng ating panauhing kuwentista na si Weng Garcia ang klasikong kuwento, “Si Pagong at si Matsing”, ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Ang bersyong ating babasahin ay mula sa Adarna House, muling isinalaysay ni Virgilio Almario at iginuhit ni Hubert Fucio. Sa pinakauna-unahang pagkakataon, ang mamumuno ng ating gawaing sining ay ang kilala at napakagaling na mangguguhit sa Pilipinas na si Tito Hubert na nagmagandang loob na makilala tayo sa KS.

O, ano pa ang hinihintay ninyo? Magdala kayo ng papel at mga pangkulay at sumali na ngayong Sabado, ika-13 ng Hunyo ng alas kuwatro ng hapon (4 pm oras sa Pilipinas) o alas diyes ng umaga (10 am oras sa Europa).

Click here for the Zoom Invite.

Kita kita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!

Posted in Allgemein, Coronavirus, virtual KS, zoom invite

Mga Bilang: KS Zoom invite

Nais namin kayong imbitahan sa aming ika-5 na Kuwentuhang Sabado Lockdown Special sa Zoom na gaganapin ngayong Sabado, ika-30 ng Mayo, alas 10 ng umaga (CET) (4pm Manila Time).

Sa pinakauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Kuwentuhang Sabado ay magkakaroon tayo ng panauhing kwentista.

Si Tita Maita ay propesora sa Unibersidad ng Pilipinas at isinulat ang aklat na “When Zero Left Number Land” na isinalin at babasahin niya sa Pilipino.

Topic: Mga Bilang
Time: May 30, 2020 10:00 Zurich (4pm Manila)

Join Zoom Meeting
https://us02web.zoom.us/j/2020042016?pwd=enBrSjlsM0huWlF2RGltRFVKcmM5UT09

Meeting ID: 202 004 2016
Password: 956470

Sa ating group activity, pakihanda ang mga susunod na bagay:

  1. 10 pcs Index card or A6 paper – nakasulat ang mga bilang 1-10 (view and/or download sample here)
  2. Glue/pandikit
  3. Lapis/pangkulay
  4. Sinulid (isang dangkal ang haba)
  5. Tuyong dahon (5 na piraso)
  6. Bigas (20 butil)
  7. Hilaw na pasta (20 piraso)
  8. Butones (7 piraso)
  9. Barya (ex. 5 centavos) (3 piraso)
  10. Toothpic (8 piraso)
  11. Q-tip at bulak (5 piraso)