Posted in zürich

Araw ng Kalayaan 2018

Sa pinakahuling Kuwentuhang Sabado para sa taong 2017-2018 ay ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan at pagtatapos ng klase. Napakaganda ng panahong iyon: mainit ngunit mahangin.

img_0311 

Pagkatapos kantahin ang “Lupang Hinirang” at “Bayan Ko” ay ibinasa ang kuwentong “Mahiwagang Istetoskop” na tungkol sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal. Continue reading “Araw ng Kalayaan 2018”

Posted in zürich

Si pagong at si matsing

Nung ika-7 ng Abril 2018, ginanap ang huling Kuwentuhang Sabado. Mayroon uli kaming bagong mga bisita. Si Leonel at ang nanay niyang si Abigail at ang lola niyang si Teresita. Dumalaw din si Liway at ang tatay niyang si Glenn.

At dahil sa aming mga bisita, nagpakilala uli muna kaming lahat. Pagkatapos, kinanta namin ang aming mga awiting pambata para maalala uli.

Ang sumunod naman ay ang kuwentuhan. Nagbasa si Mommy Charlie ng librong
«Si pagong at si matsing» muling isinalaysay ni Virgilio S. Almario at Iginuhit ni Hubert B. Fucio.
Nagustuhan ng mag bata ang kuwento. Biglang napakatahimik sa kuwarto dahil ang mga bata ay nakikinig ng mabuti sa kuwento.

Alle_close

Continue reading “Si pagong at si matsing”

Posted in zürich

Kung may tiyaga, may nilaga!

Ito ang aming bansag noong nakaraang Kuwentuhang Sabado nung ika-3 ng Pebrero 2018.
Bago kami magkuwentuhan, kinanta muna namin ang aming awiting bambati at pagkatapos, nagpakilala muna ng isa-isa ang mga bata dahil mayroon kaming bisita.
Si Aaron, si Laura at ang kanilang nanay na si Payapa. Nakakatuwa makita na ang mga bata ay natututo na rin magsalita ng Tagalog matapos lang ng isang taon! Hanga talaga ako sa kanila!

Kuwento1

Continue reading “Kung may tiyaga, may nilaga!”

Posted in zürich

Ang Tikbalang at ang Bruha

Kilala mo ba ang tikbalang at ang bruha ng Pilipinas? Noong ikaapat ng Nobyembre 2017, nagtipon ang mga bata at magulang sa Zürich at may natutunan tungkol sa mahihiwagang halimaw ng Pilipinas. Unang-una, kumanta ang lahat ng pangungumusta.

Binasa ni Mommy Kith ang librong “Ang Tikbalang Kung Kabilugan ng Buwan” ni Virgilio Almario at “Bru-ha-ha-ha-ha-ha…Bru-hi-hi-hi-hi-hi…” ni Ma. Corazon Remigio.

Kumanta muna ang lahat ng Bahay Kubo at Sampung mga Daliri bago naupo at gumawa ng mga maskara.

Tinulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak gumuhit at gumupit ng mga makukulay na maskara na may sari-saring hugis.

Ang gaganda ng mga maskara, ano?

Nagsalu-salo ng meryenda ang lahat bago kumanta ng pagpapaalam. Magkita-kita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!

Posted in zürich

Ang pambihirang sombrero

Sa nakaraang Kuwentuhang Sabado noong ika-7 ng Oktobre 2017, ang aming paksa ay tungkol sa sombrero.
Nagumpisa kami magkantahan ng «Kumusta ka» at «Masaya kung sama-sama».
Pagkatapos, binasa ni Mommy Charlie ang «Pambihirang Sombrero» ni Jose Muguel Tejido. Natutuhan namin ang iba-ibang mga trabaho. Halimbawa ang tindera, pulis bombero at iba pa.

Kuwento_alle

Nang matapos magbasa ng libro, gumawa ang mga bata ng kanya-kanyang sombrero.

Basteln1Basteln2Basteln4Basteln3

Sa huli, kumain pa kami ng muffins na ginawa ni Massi. Napaka sarap. Maraming salamat, Massi!
At habang naglalaro ang mga bata, may oras magusap-usap ang mga magulang.

Meriyenda

Magkita-kita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!

Posted in zürich

Bahagi ng Katawan sa Zürich

Alam niyo ba ang mga bahagi ng katawan? Ito ang tema ng Kuwentuhang Sabado noong ikalawa ng Setyembre. Sinimulan ang pagtitipon ng isang kuwento ng magkakapatid na daliri na tinawag na “Si Hinlalaki” at sinulat ni Virgilio Almario. Dito nalaman ng mga bata ang iba’t ibang pangalan ng mga daliri, pati ang kahalagahan ng pagtutulungan. Matapos magtanungan at magturo ng iba’t ibang bahagi ng buong katawan, kumanta ang lahat ng “Sampung mga Daliri” at “Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”.

IMG_1245

Continue reading “Bahagi ng Katawan sa Zürich”

Posted in zürich

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay

Ang paksa ng nakaraang Kuwentuhang Sabado noong ika-8 ng Abril, 2017 ay ang pasko ng pagkabuhay.

Sa simula nag kantahan muna kami ng aming mga awiting pambati. «Kumusta ka» at «Masaya kung sama-sama».

Pagkatapos magkantahan, binasa ni Mommy Kith «Ang kuwento ng piyesta ng muling pagkabuhay». Nalaman ng mga bata kung paano namatay si Hesus at bumangon uli sa kamatayan.
Ang pangalawang libro ay binasa ni Mommy Sining «Maghahanap kami ng itlog». Nakakatuwa ang kuwento at natuto pa ang mga bata bumilang hanggang sampu!

IMG_1649

Continue reading “Maligayang Pasko ng Pagkabuhay”

Posted in zürich

Nagniningning ang mga bituin. sa Zürich

Sa Kuwentuhang Sabado ng ikasampu ng Desyembre, tinalakay namin ang kuwento ng Pasko: Nagpaturo ang tatlong hari ng daan sa bituing maliwanag sa kalangitan para matagpuan ang regalong ibinigay sa sanlibutan. Bituin din ang naging tema namin sa pagdidisenyo at pagbubuo ng iba-ibang crafts na dinikitan namin ng mga makikislap o kaya naman ginawa naming hugis bituin para ipanregalo.

img_3009

Sa Zurich Oerlikon ginanap ang nakaraan naming pagtipon-tipon, sa isang kuwarto ng Zentrum ELCH. Pagkatapos ng pagrehistro, maaari na kaming tumuloy sa paggawa ng mga crafts habang hinihintay ang iba pang mga bata. Maraming hinanda ang mga nanay na puwede naming ibuo at ipamigay sa Pasko: nagkulay kami ng mga Christmas cards na may masayang mensahe galing sa dalawa naming maskot, gumawa kami ng mga ornaments sa Christmas tree gamit ang mga cookie former at ipit o kaya naman bumuo kami ng parol gawa sa pambalot ng regalo na puwede naming isabit sa bahay.

Continue reading “Nagniningning ang mga bituin. sa Zürich”

Posted in zürich

Mmm…magaling! sa Zürich

Mmm…maraming dumalo, masarap ang pagkain at masaya ang Kuwentuhang Sabado noong ika-8 ng Oktubre sa Zürich. Unang-una, kumanta ng pangungumusta ang lahat ng dumalo. Dahil pagkain ang paksa, nagbasa si Mama Kith ng kuwento tungkol sa isang batang may sakit na gumaling sa tulong ng masasarap na meryenda ng kanyang lola.


Pagkatapos ng storya, nakinig at kumanta ang lahat ng “Bahay Kubo”.

Continue reading “Mmm…magaling! sa Zürich”