Posted in Annual Event, general, wassen

Annual KS Grill in Wassen

Oras na para Magpiknik sa «Luneta» ng Suiza!

Sa ikalawang pagkakataon, magkakaroon ng picnic ang Kuwentuhang Sabado sa «Luneta ng Suiza», ang rebulto ni Jose Rizal na matatagpuan sa Wassen, Uri sa Sabado, ika-15 ng Agosto, 2020, alas 12 ng hapon. 

Naipasinaya noong Agosto, 2014, ang rebulto ni Rizal ay matatagpuan ilang metro lang ang kalayuan sa lumang istasyon ng tren ng Wassen. Kasama ito sa Gotthard Trail at may lugar para magpiknik para sa mag pamilyang may mga bata. 

Continue reading “Annual KS Grill in Wassen”
Posted in general, wassen

KS Fieldtrip!

Masaya, masigla, mainit at nakakabusog ang kauna-unahang field trip ng Kuwentuhang Sabado na naganap sa Wassen.

Sapagkat ang batong granita na ginamit sa Rizal Memorial sa Luneta sa Maynila ay nanggaling dito mismo sa Reiswald quarry ng Wassen noong 1912, binuksan noong 2014 ang unang Rizal Park dito sa Switzerland bilang alaala sa ating bayani! (Read more about Rizal Park of Wassen here. )

Sa tanghaling ito, noong ika-1 ng Hunyo, nagtagpo-tagpo ang mga pamilyang KS sa isang ihawan sa ibaba ng Rizal Park sa Wassen.

Continue reading “KS Fieldtrip!”