Posted in schüpfheim

Sino ang taya? sa Schüpfheim

Ang huling pagtitipon ng KS noong nakaraang ika-2 ng Pebrero sa Schüpfheim ay binati ng magandang panahon.

Dahil malapit na ang Fasnacht sa Luzern sa katapusan ng buwan, ang natalakay na tema ay tungkol naman sa mga Halimaw ng Pilipinas – o Philippine Mythological Creatures para makilala ng mga bata (at maalala ng mga magulang) ang kakaiba at minsan kakatuwang mga paniniwala ng mga Pinoy.

IMG_0995

Nagumpisa sa isang laro ng Memory para makilala ang mga iba’t-ibang nilalang katulad ng Kapre, Tikbalang, Manananggal, Bungisngis at iba pa. Ang naging paborito ng karamihan? Syempre ang Tikbalang na kumakaway pa!

Sumunod ang kantahan, kasabay ni Mommy Charlie at ang kanyang Ukelele!

IMG_1003

At hindi mawawala ang kuwento nitong Sabado, tungkol syempre sa mga halimaw na di dapat katakutan dahil gusto lang pala ay makipaglaro sa mga bata. Mula sa aklat ni Jomike Tejido na “Ma Me Mi Mumu!!

Kuwento_group3

Pagkatapos ng kuwentuhan, kainan na naman, dahil kailangan magpalakas para makapaglaro sa labas ng habulan!

Habulan3

Sino ang taya? ang Tikbalang!

Habulan2


Ang susunod na Kuwentuhang Sabado ay gaganapin sa ika-11 ng Marso, 2017 sa Basel. Sana makasali kayo 🙂

Enrol or inquire here if you wish to join our next KS.

Author:

a traveling Swiss-Filipino playgroup

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s