Posted in basel

Piyesta sa Basel: Ang Huling Kabanata

Paalam, Taglamig! Hello, Tagsibol! Tama na ang lamig…handa na kaming magpainit..at magpiyesta ulit!

Ginanap noong ika-11 ng Marso ang buwanang Kuwentuhang Sabado sa Basel. Ang mga kalahok ay inimbitahang magsuot ng kanilang mga costume upang makipiyesta at ipagdiwang ang huling araw ng Fasnacht. Nakita namin sina Olaf, Panda, Steve (ng Minecraft) at isang munting Waggis.

20170311_141829

Bilang paghahanda sa paksa, kinulayan ng mga bata ang kanilang mga bag para sa mga premyong kanilang matatanggap. Isang magandang pagkakataon na matutunan naming muli ang pangalan ng mga kulay sa Pilipino.

20170311_142918

Pagkatapos naming magkantahan kasabay ng ukelele ni Mommy Charlie, binasa naming ang aklat na Pista Na! ni Ariel Santillan (Adarna House) na kung saan natutunan namin ang iba’t-ibang elemento ng pista sa Pilipinas na hindi rin may kalayuan sa Fasnacht ng Suiza.

20170311_143313

Bukod sa kasuotan (Kostueme at Larven?), ang bawat pista ay may banda (Guggemusik?), kakanin (Fasnachtschuechli??), mga palamuti (Luftschlange at Raeppli???), at iba pa. Napaisip din kami kung magpinsan ba ang Waggis at mga higantes ng Angono, Rizal?

20170320_133006

Kinakailangan na matutong magbilang para sa mga palaro kaya nag-ensayo muna kaming magbilang ng 1-10 gamit ang mga paper plate…at kendi!

20170311_145606

Pagkatapos nito ay handa na kaming maglaro ng hampas palayok at pabitin. Lakad ng dire-diretso…Hampas!

20170311_145729

(Siyangapala, hindi mabiyak-biyak ang papier-mache na palayok kaya maaari pang gamitin sa mga susunod na palaro).

Napagod kami sa kakalaro at handa nang kumain. Ipinagdiwang namin ang kaarawan ng aming kaibigan…Maraming salamat sa mga masarap na muffins!

20170311_150540

Nagtapos ang Kuwentuhang Sabado sa Schutzenmattpark kung saan naglaro ng luksong-tinik, tagu-taguan at habulan ang mga bata at magulang. Sa sobra naming tuwa sa paglalaro, nalimutan na naming kumuha ng litrato!
Abangan sa ika-8 ng Abril sa Zurich. Kita-kits tayo doon! Sana ay makapunta kayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado.

Check out our schedule and for any inquiries or to enrol please click here.

Author:

a traveling Swiss-Filipino playgroup

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s